Connect with us

Capiz News

UTILITY VEHICLE NADISGRASYA SA PONTEVEDRA, CAPIZ; 2 SUGATAN

Published

on

Nadisgrasya ang utility vehicle na ito sa Brgy. Bailan, Pontevedra, Capiz madaling araw ng Martes kung saan sugatan ang dalawang sakay nito.

Kinilala ang mga biktima na sina Cedric Okut y Azera, 55 years old, married, businessman at Jimmy Delis y Ibañez, 35 years old, single, laborer, mga residente ng Brgy. Jamulawon, Panay, Capiz.

Kinilala naman ang suspek at driver na si Dionisio Jeric Blasurca y Besana, 50 years old, single, residente ng Brgy Agojo, Panay, Capiz

Ayon sa report ng Pontevedra PNP, menamaneho ng suspek ang Mitsubishi Utility vehicle sakay ang dalawang pasahero mula sa Estancia, Iloilo patungong Panay, Capiz ng maganap ang aksidente.

Nang makarating sa national highway sa Brgy Bailan ay nag-run-over sa concrete center island ang nasabing sasakyan, bumaliktad at aksidenteng nabangga ang dropside utility vehicle na nakapark sa gilid ng kalsada.

Maswerteng nakaligtas ang driver habang ang dalawang mga biktima ay nagtamo ng sugat sa magkaibang bahagi ng katawan at dinala sa Bailan District Hospital for medical treatment.

Continue Reading