Capiz News
Videoke bar sa Jamindan, Capiz pinasara; 4 compshop pinagmulta
Isang computer shop sa Jamindan, Capiz ang pinasara ng pamahalaang lokal habang apat ng computer shop naman ang pinagmulta dahil sa mga paglabag sa lokal na ordinansa.
Ayon sa ulat ng Jamindan PNP, isinerbe nila ang notice of closure sa isang videoke bar sa Brgy. Linambasan matapos mapag-alaman na nag-o-operate ng walang Mayor’s Permit.
Inatasan ang may-ari ng bar na itigil ang kanilang operasyon at pinagbabayad ng Php2,500 bilang penalidad.
Pinagmumulta naman ng Php1,500 ang apat na computer shop dahil sa pagpapasok umano ng mga estudyante sa oras ng klase.
Batay sa Municipal Ordinance No. 2011-06 ng Jamindan, ang mga estudyante mula elementary at high school, at mga kabataan edad 6-17 anyos ay hindi pinahihintulutang pumasok sa mga amusement place tuwing oras ng klase maliban lamang kung holiday.
Binalaan ng Jamindan PNP ang mga naturang establisyemento na ipapasara ang kanilang negosyo at babawiin ang kanilang permit kapag lumabag pa sila uli sa ordinansa.