Capiz News
Wanted sa Dumarao, Capiz sa kasong attempted murder naaresto sa Iloilo


Arestado ng mga kapulisan ang isang 42-anyos na lalaki sa Sitio Maldispina Brgy Poblacion, Bingawan, Iloilo dahil sa kasong attempted murder dito sa Capiz.
Kinilala ang akusado na si Bernadine Billones, 42-anyos, residente ng Brgy.Janguslob, Dumarao.
Siya ay inaresto ng pinagsamang mga tauhan ng Bingawan PNP, Dumarao PNP, Tapaz PNP at 602nd Regional Mobile Force Company 6.
Ang operasyon ay isinagawa sa bisa ng warrant of arrest sa kasong attempted Murder na inilabas ng Regional Trial Court 6, Branch 17, dito sa Roxas City noon pang Disyembre 2008.
Php20,000 ang itinakdang piyansa ng korte para sa pansamantala paglaya ng akusado.
Nakakulong na ngyon sa Dumarao PNP Station ang akusado at nakatakdang iturn-over sa kaukulang korte.