Connect with us

Cebu News

AFP MEDICAL TEAM NA TUTULONG SA COVID 19 RESPONSE, DUMATING NA SA CEBU

Published

on

AFP MEDICAL TEAM NA TUTULONG SA COVID 19 RESPONSE DUMATING NA SA CEBU

Cebu City — Dumating na sa Cebu City ang 33 myembro ng medical team ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tutulong sa COVID 19 response sa syudad.

Ayon kay Lt. Gen. Roberto Ancan, commander ng Central Command (CentCom), ang nasabing team ay kinabibilangan ng 10 doktor, 10 nurses at 13 medical aides.

Nauna nang dineploy ang 150 members ng Special Action Force (SAF) para tumulong sa COVID 19 response.

Samantala, mas pang hinigpitan ng City government ang ECQ measures laban sa COVID 19.

Noong weekend, nilagdaan ni Mayor Edgardo Labella ang Executive Order No. 82-A kung saan sinuspende ang number coding scheme sa mga private vehicles, pagsasara ng Carbon Public Market kada araw ng linggo at estriktong pagpapatupad sa paggamit ng quarantine pass.

Hanggang ngayong araw, malapit ng umabot sa 5,000-mark ang COVID 19 cases sa Cebu City.

May kabuuang 4,962 COVID 19 cases sa Cebu City, 2,696 recoveries at 156 ang namatay.

Continue Reading