Connect with us

Cebu News

BAGONG QUARANTINE FACILITY SA MANDAUE, KAYANG TUMANGGAP NG MAHIGIT 1,000 PASYENTE

Published

on

Cebu City-Humigit kumulang 1,735 ang pasyente na kayang tanggapin ng Mandaue City Central School (MCCS) na ginawa bilang quarantine facility ng Mandaue City

Inihayag ni Mandaue City Councilor Nerissa Soon-Ruiz, Head ng Committee on Health, na ang pasilidad ay posibleng bubuksan sa Mayo 8, 2020.

Ang naturang pasilidad ay 80 porsyento nang tapos kung saan kama at ventilator n Lang ang inaantay.

Nakahanda na rin ang ambulansya na nakaantabay sakaling may pasyente na kailangang dalhin sa ospital.

Merong emergency cart sakaling kailangan ng oxygen at intravenous line.

Nilinaw naman ni Ruiz na ang may mild at moderate na sintomas lamang ang tatangapin sa pasilidad.

Sinabi rin ni Ruiz, na Hindi na papayagang makauwi ang mga doktor at mga nurses kapag may pasyente na magpositibo sa Covid-19 sa naturang pasilidad.

Ang mga pasyente ay may libreng pagkain, libreng WiFi at television at pasusuutan ng uniform at pajamas para madaling kilalanin ang mga ito sakaling magtangkang umalis.