Cebu News
CEBU CITY PUNTIRYA ANG 23,000+ NA MGA PAMILYA PARA SA MASS TESTING HANGGANG MAYO 15
CEBU CITY – Inaasahan na sa lunes May 04, 2020 ay sisimulan na sa lungsod ng Cebu, Mandaue at Lapu-Lapu ang mass rapid testing para sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sa Cebu City naman humigit kumulang 23,553 households ang target para sa Rapid Antibody Tests sa kabuuang 80 barangays na isasagawa ng 14 teams ng Medical Technologists at City Health Officers.
Inihayag ni Konsehal Raymond Garcia na ang magiging resulta ng tests na ito ay kakatawan sa hindi bababa sa 10 porsyento ng kabuuang bilang ng mga sambahayan sa lungsod.
Ang resulta rin ang tutukoy kung ang isang barangay ay maaaring makapagtapos mula sa enhanced community quarantine (ECQ) sa modified community quarantine (MCQ).
Samantala, simula May 10 hanggang May 14, magsasagawa ulit ng test para doon sa mga nagpositibo sa Rapid Antibody Test ang kanilang samples ay kukunin muli para sa polymerase chain reaction (PCR) test.
Ang rapid test ay gagamitan ng in-extract na dugo habang ang PCR test ay gagamitan naman ng swab samples.