Connect with us

Cebu News

NEW BORN BABY, PINAKABAGONG KASO NG COVID 19 SA MANDAUE CITY

Published

on

Bagong silang na sanggol na lalaki ang pinakabagong kaso ng COVID 19 sa Mandaue City, Cebu base sa report ng City Government kahapon.

Residente ito ng So. Riverside, Brgy. Looc, Mandaue City na naka admit ngayon sa Vicente Sotto Memorial Hospital Medical Center.

Sa ngayon may 113 ng kaso ng COVID 19 ang Mandaue City. Sa nasabing numero, 90 ang galing sa Mandaue City Jail, (89 na inmates, 1 jail personnel.

Samantala, isang taong gulang na sanggol naman ang nagpositibo sa COVID 19 ang namatay sa San Fernando, Southern Cebu.

Ayon kay San Fernando administrator Neil Papas, dinala ang sanggol sa Talisay District Hospital noong Mayo 12 dahil sa idiopathic thrombocytopenic purpora (ITP) at namatay ng araw ding yon.

Kinuhaan ng swab sample ang pasyente at nalaman na positibo ito sa virus.

Ang nasabing sanggol ang kauna unahang kaso na naitala sa San Fernando, Cebu.