COVID-19
1 PATAY SA MALAY DAHIL SA COVID-19
Isa ang naitalang sumakabilang buhay dahil sa COVID-19 ngayong araw ng Lunes. Napag-alamang ang nasawi ay mula sa bayan ng Malay.
Ayon sa health bulletin na inilabas ng Aklan Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) ngayong Enero 10, 2022, may 102 samples na sumailalim sa swab testing kahapon, kung saan 15 ang bumalik na positibo sa COVID-19, at 87 naman ang nag-negatibo.
Sa datos ng Aklan PESU, ang mga sumusunod na munisipalidad ay nakapagtala ng mga bagong kumpirmadong kaso:
Kalibo: 11
Numancia: 2
Makato: 1
Malay: 1
Patuloy pa ring pinag-iingat ang lahat pinapayuhang sumunod sa mga health protocols kontra COVID-19.
Continue Reading