COVID-19
6.66% POSITIVITY RATE NG COVID-19, NAITALA NGAYON SA AKLAN


Umakyat sa 6.66% ang positivity rate ng COVID-19 sa Aklan ngayong Oktubre 28, 2021, matapos makapagtala ng 3 panibagong kaso ang Aklan Epidemiology and Surveillance Unit (PESU).
Sa datos ng Aklan PESU, ang mga nag-positibo ay mula sa 45 samples na sumailalim sa swab testing kahapon, habang 42 naman ang nag-negatibo.
Ang mga nag-positibo sa COVID-19 ay mula sa bayan ng Ibajay na may 2 kaso, at Banga na may 1. Sa kasalakuyan, 29 ang kabuuang bilang ng active cases sa probinsya.
Pinag-iingat pa rin ang lahat at pinapayuhang sumunod sa mga health protocols kontra COVID-19.
Continue Reading