Connect with us

COVID-19

77 BAGONG KASO NG COVID-19, MULING NAITALA SA AKLAN; 34 DITO, MULA SA KALIBO

Published

on

Lumobong muli sa 47% ang positivity rate ng COVID-19 sa lalawigan ng Aklan, matapos makapagtala ng 77 panibagong kaso ang Aklan Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) ngayong araw ng Linggo, kung saan 34 dito ay mula sa bayan ng Kalibo.

Base sa inilabas na datos ng Aklan PESU ngayong Enero 9, 2022, ang mga positibong  kasong naitala ay mula sa 162 samples na sumailalim sa swab testing kahapon, habang 85 naman ang nag-negatibo.

10 ang kasalukyang nasa ospital, dahil sa COVID-19.

Samantala, narito ang bilang ng mga bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa ilang bayan sa Aklan:
Banga: 3
Batan: 2
Ibajay: 6
Kalibo: 34
Lezo : 1
Madalag: 1
Makato: 3
Malay: 10
Malinao: 7
Nabas: 3
New Washington: 2
Numancia: 5

Dahil sa muling pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso, pinapayuhan ang lahat na pag-igtingin ang pag-iiingat at patuloy na  sumunod sa mga health protocols kontra COVID-19.

Continue Reading