COVID-19
POSITIVITY RATE NG COVID-19 SA AKLAN, 3.33% NGAYON


3.33% ang naitalang positivity rate ng COVID-19 sa Aklan ngayong Oktubre 27, 2021, ayon sa ulat ng Aklan Epidemiology and Surveillance Unit (PESU).
Sa impormasyon ding ito ng Aklan PESU, 30 ang dumaan sa swab testing kahapon, kung saan 1 ang nag-positibo sa COVID-19 na napag-alamang mula sa bayan ng Madalag.
Patuloy pa ring pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at hinihikayat na sumunod sa mga health protocols kontra COVID-19.
Continue Reading