Connect with us

Economy

DTI nais ilapat sa MECQ ang NCR “at the soonest possible time”

Published

on

ECQ to MECQ

Ninanais ng Department of Trade and Industry (DTI) na ma-ilagay sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ang National Capital Region (NCR) “as soonest possible” kung wala nang surge ng mga kaso ng COVID-19.

“At the soonest possible time… to the extent we can, we really have to move down at least to MECQ and do more granular lockdowns. That’s our position,” sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez sa Kapihan sa Manila Bay virtual media forum.

Ayon Lopez, ang paglipat sa MECQ mula sa pinaka-striktong quarantine restriksyon ang magpapahintulot sa gobyerno upang mas ma-manage ng mabuti ang ekonomiya sapagkat mas maraming business activities at makakabalik na rin sa trabaho ang mga tao.

“If not, every time we have ECQ, we would have to set budget for cash aid, there would be big demand from government and many would not be able to work. It is better to bring back jobs, as long as it is safe,” aniya.

Noong una, hindi pabor ang DTI na ibalik sa ECQ ang NCR simula Agosto 6 hanggang 20 dahil sa magiging epekto nito sa ekonomiya.

Pero, batay kay Lopez na umabot naman sa collective decision ang gobyerno na ipagpatuloy ang pag-implement ng lockdown upang maiwasan ang pagkaroon ng surge ng infection katulad ng nangyari sa ibang bansang kagaya ng Indonesia at India.

Sabi niya na nag-proposed ang DTI sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na isama ang bilang ng severe at critical na kaso sa pag-dedesisyon kung anong quarantine classification ang iimplement.

Dagdag niya pa, na ang bilang ng mga severe at critical na kaso ay dapat minomonitor kahit ito’y tumataas o bumababa.

“Assumption is with more vaccination, this will go down over time as we saw in other countries,” aniya.

Marami namang sector ang pinayagan ng gobyerno na mag-operate kahit nasa ilalim ng ECQ ang NCR, kasama rito ang exporters at business process outsourcing, kung saan ito ang nagpapanatili sa paglago ng exports ng bansa.

Pahayag ni Lopez na ang DTI ay may tinatarget na 15% growth sa kabuuang exports ngayong taon.

Ang 11.8% growth ng gross domestic product (GDP) sa bansa nitong second quarter ang nagbigay ng momentum para masimulan ang recovery process ng bansa, sabi ni Lopez.

Ang fokus ngayon ay ang pagpapatuloy ng mga reforms na magbibigay daan sa pagbalik ng ekonomiya mula sa pandemiya. Kasama rito ang mga legislative measures tulad ng amendments sa Public Service Act, Retail Trade Liberalization Act, at Foreign Investment Act.

Lopez said the DTI also wants amendments to the Consumer Act of the Philippines and Price Act, which include raising penalties, to be approved.

Ayon kay Lopez, nais rin ng DTI na magkaroon ng ammendments sa Consumer Act of the Philippines at Price Act, kung saan kasama dito ang pag-taas ng penalties, pero “to be approved” pa lang ito.

Dagdag pa niya, na kinikilala ng DTI ang Pandemic Protection Act, na naglalayong suportahan ang pagpapaunlad ng domestic production ng medical-related products at pag-promote ng locally made health care products sa procurement ng gobyerno.

Kahit wala ang batas, sinabi ni Lopez na nakikipag-usap na ang DTI sa Government Procurement Policy Board para mas piliin ang locally made manufactured medical products.

Source: PhilStar