Connect with us

Economy

MGA BANGKO, MAS MALUWAG SA PANININGIL SA MGA BORROWERS NGAYONG PANDEMYA AYON SA BSP

Published

on

Naging mas maluwag umano ang mga banko sa paniningil sa kanilang mga borrowers sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno sa isang briefing na nag-anunsyo ang mga bangko na mas palalawigin nila ang panahon na hindi sila maniningil ng PESONet at InstaPay fees.

Noong Agosto 12 ay ni-waive na ng 22 bangko ang PESONet fees samantalang 18 bangko naman ang nag-waive ng InstaPay fees.

Nitong mga huling araw ng Hunyo, umabot umano sa Php 328.6 bilyon ang mga restructured loans na iginawad ng mga bangko.  Ito ay halos pitong beses na mas mataas sa Php 48.7 bilyon na naitala sa parehong panahon noong  nakaraang taon.

“During the pandemic, loans to micro, small and medium enterprises (MSMEs) that are used as alternative compliance with the reserve requirements surged,” ani Diokno.

Ayon sa kanya, umabot sa PhP 188.7 bilyon ang mga favored loans na iginawad sa mga MSMEs noong reserve week na nagtapos noong Hulyo 29, 2021.

“These numbers suggest that banks’ continue to extend financial relief to borrowers during this crisis,” giit ni Diokno.

Pinayuhan naman ni Diokno ang mga creditors na makipag-ugnayan sa kanilang mga bangko upang ma-review ang kanilang mga cash flow at kakayahang magbayad nang sa gayon ay ma-adjust rin ang kanilang loan terms.

Maaari rin umanong kontakin ng mga kustomers ang BSP Online Buddy kung mayroon silang mga katanungan tungkol sa kanilang mga pinansyal na aktibdad.

Naniniwala rin si Diokno na natuto na ang mga bangko mula sa kanilang karanasan noong kasagsagan ng pandemya noong nakaraang taon kaya mas may kakayanan na silang harapin ang pagbabalik ng enhanced community quarantine (ECQ).

“Since banks continue to operate even during periods of ECQ, we do not anticipate them to report losses on account of operational adjustments related to community restrictions,” aniya.

Continue Reading