Connect with us

Economy

Paggawa ng Php 1,000 polymer bills, pinapatigil na ni Pimentel

Published

on

Hinimok ni Opposition Senator Aquilino “Koko” Pimentel III ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na suspendihin ang paggawa ng mga “impractical”  na Php 1,000 polymer bills sa lalong madaling panahon.

Nakasasama umano sa kabuhayan ng mga lokal na abaca producers ang pasya ng BSP na gumamit ng polymer sa halip na katutubong abaca o Manila hemp sa paggawa ng bagong Php 1,000 bills.

Maliban pa rito, hindi umano ito praktikal para sa mga Pinoy na nakasanayan nang magtago ng kanilang perang papel sa kanilang mga bulsa, pitaka, o wallet.

“The issuance of these polymer bills to replace our old banknotes is absolutely absurd. Our bills should be designed in such a way that they can withstand a minimum amount of abuse like crumpling and folding. Parang gusto pa yata nila ilagay sa frame yung bills para kunwari matibay,” ani Pimentel sa kanyang pahayag.

“The BSP should suspend the production of these banknotes ASAP,” dagdag pa niya.

Bagama’t mas matibay umano ang mga polymer bills, wala umano itong “flexibility” na kailangang upang ligtas itong maitago sa bulsa, pitaka, money clips, o maliliit na wallet.

Dagdag pa ni Pimentel, sensitive umano ang polymer sa mga kemikal.

Sinabi rin ng mambabatas na nababahala siyang magkaroon ng negatibong epekto sa ekonomiya kung papalitan ang abaka bilang material sa paggawa Php 1,000 bills, lalo na’t umaabot sa USD 97.1 milyon ang kinikita ng bansa kada taon mula sa pagi-export ng abaca fiber sa ibang bansa.

Binanggit ni Pimentel na ang Pilipinas ang may kontrol ng pinakamalaking parte ng global abaca trade. Base sa hawak niyang datos na nakalap ng Department of Agriculture noong 2016, lumalabas na ang bansa ang nagsusuplay ng 87.5 porsyento ng abaca fiber requirements ng buong mundo. Pumapangalawa lamang ang Ecuador at Costa Rica na nagsusuplay ng natitirang 12.5 porsyento .

Aabot sa 180,302 hectares ang tinataniman ng abaka sa bansa noong 2016 at nakakapag-produce ito ng 72,000 metric tons.

 

Continue Reading