Connect with us

Economy

Presyo ng mga pang Noche Buena pinakiusapan ng DTI na huwag magtaas

Published

on

Presyo ng mga pang Noche Buena

Nanawagan ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga manufacturers ng pang Noche Buena na panatilihin ang kasalukuyang presyo para sa holiday season.

“We call on manufacturers, maybe they can opt not to adjust prices for Christmas products this year or if they will adjust, just at the absolute minimum,” Trade Undersecretary Ruth Castelo said during the Laging Handa briefing yesterday.

Dagdag niya na noong nakaraang taon, nakumbinsi ng DTI ang mga manufactures ng mga Noche Buena na bilihin na huwang mag-implement ng price hikes.

“This year, we will try to convince them not to adjust prices again,” aniya sa isang ulat ng PhilStar.

Inaasahan rin na sa katapusan ng susunod na buwan o sa Nobyembre, ilalabas ng DTI ang suggested retail price (SRP) ng mga produktong pang Noche Buena, dagdag niya.

Para sa mga necessities at prime commodities naman, may inilabas na bagong listahan ng SRP ang DTI para sa mga groceries at supermarket noong Agosto 29.

Kabilang sa mga na-adjust na SRP ay ang, instant noodles, coffee, milk, condiments, corned beef, and non-food items like detergent and toilet soap. Karamihan sa mga presyo ay tumaas na nagrarange sa P0.20 to P1, maliban sa corned beef na tumaas hanggang P2.75.

Ayon kay Castelo, inaprubahan ang price adjustments dahil sa “increasing cost in raw materials specially packaging materials like tin cans.”

Dagdag pa niya na noong 2019 pa humihiling ang mga manufacturers ng price adjustments, ngunit hindi ito na-aprubahan dahil sa pandemiya.

(Louella Desiderio, The Philippine Star)