Connect with us

Economy

Recovery ng Pilipinas hindi magiging madali, babala ng BSP

Published

on

Bangko_Sentral

Ang “Road to recovery” ng Pilipinas ay magiging mahirap, ito’y muling sinabi ng Bangko Sentral sa kanilang pangako na panatilihing mababa ang domestic interest rates hangga’t maari para matulungan umangat galing sa “deepest postwar economic slump” ang bansa na matinding naapektuhan ng pandemya.

Batay sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno, binabalanse rin ng monetary authority ang layunni nitong panatilihin ang presyo ng mga basic goods at services sa pagtaas ng masyadong mabilis.

“The Philippines has sustained its position compared with rating peers because of the strengthening of its fiscal metrics ahead of the pandemic shock,” sabi niya sa isang pahayag ng BSP.

“Nevertheless, the country’s road to recovery will not be easy,” babala ni Diokno. “We will continue to monitor recent developments, here and abroad, and assess their impact on the inflation outlook, financial stability, and growth.”

Dahil sa mga palatandaan ng “broad improvement” sa economic performance at ang “relatively more manageable pandemic situation” ng ilang ekonomiya, inaasahan ng market ang mga central banks, kasama ang US Fed, na isaalang-alang ang possibleng pag-shift sa policy normalization.

Ito’y isang expectation triggering worries sa mga nahuhuling ekonomiya tulad lamang ng sa Pilipinas na maaring harapin ang pagtaas ng mga interest rates sa international market.

Sa simula pa lang ng pandemya nang nakaraang taon, mga P2.2 trillion na halaga ng liquidity ang na “infused” ng BSP sa domestic economy sa pamamagitan ng pinagsamang rate cuts, reserve requirement cuts, mga loans sa national government, at bukod sa iba pa.

Ang kanilang “overnight borrowing rate” ay nana-natiling record low ng 2 percent. Sa kabila nito, ang confidence ng mga borrowers at lenders ay nanatiling mababa, na kung saan ang “bank lending” ay patuloy na bumababa sa magkaka-sunod na pitong buwan noong Hunyo.

Ayon kay Diokno, mananatiling matatag ang BSP sa kanilang kurso sa gitna ng COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng “maintaining price stability, bolstering the financial sector, strengthening resilience against external shocks” at pag suporta sa mga patakaran ng national government pagdating sa pagtugon sa kasalukuyang crisis at titiyakin ang mas malakas na recovery from health crisis.

Ayon sa BSP governor ang “sustained targeted fiscal initiatives” at “monetary policy support for domestic demand” ay makakatulong sa pag boost ng “market confidence” at “economic recovery” para makakuha ng “more traction”

Binigyan niya rin ng diin na ang mabilisang pagtatag ng vaccination program ng gobyerno ang susi para sa “sustained economic rebound”.

“Looking ahead, the BSP is committed to support the economy for as long as needed to ensure its strong and sustainable recovery,” sabi Diokno. “The BSP will also remain vigilant against any emerging risks to the outlook for inflation and growth and will adjust its policy settings as needed to safeguard its price and financial stability objectives.”

Source: Inquirer.Net