Connect with us

Education

Dapat magkaroon ng remedial program ang PH upang matulungan ang mga kabataan – Sen. Gatchalian

Published

on

Education in pandemic

Hinimok ni Sen. Sherwin Gatchalian na dapat magkaroon ng nationwide remedial program upang mapabilis ang learning recovery.

Ito’y matapos magbabala ang Department of Finance na maaring magkaroon ng “economic scarring” dahil sa matagal na kawalan ng face-to-face classes.

Nabanggit din ng senador na sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez 3rd na kailangan maghanap ng gobyerno ng paraan para mabawi ang mga school days na nawala dahil sa pandemya.

Ayon kay Dominguez, ang kawalan ng face-to-face classes ay makakaapekto sa quality ng edukasyon at sa learning capacity ng mga kabataan.

“It is not only the education of learners that will be affected by the lack of face-to-face classes,” sinabi ni Gatchalian batay sa ulat ng Manila Times.

Sa isang pahayag, sinabi ni Gatchalian na makakaapekto rin ito sa kanilang kakayahang makakuha ng trabaho sa future dahil hindi sila nakakuha ng effective at quality na edukasyon.

“This was the reason why we’re pushing the Aral program to give our youth the chance to catch up with their education,” aniya.

ARAL Program Act

Kamakailan, nag-file siya ng Senate Bill (SB) 2355 o Academic Recovery and Accessible Learning (Aral) Program Act, kung saan nag-ooffer ito ng mga tutorial sessions para sa mga mag-aaral na nahihirapan makamit ang minimum level na mastery sa Language, Mathematics at Science.

Sinasakop ng SB 2355 ang pinaka-essential na learning competencies sa Language at Mathematics para sa Grades 1 to 10 at Science para sa Grades 3 to 10.

Nilalayon din nitong tumuon sa pagbabasa upang ma-develop ang critical at analytical thinking skills ng mga mag-aaral. Ang numeracy at literacy skills naman ay para sa mga nag-aaral ng Kindergarten.

Plano ring i-target ng proposed program ang mga mag-aaral na hindi nakapag-enroll para sa School Year 2020-2021, batay sa chairman ng Senate Committee on Basic Education.

Base sa estimations ng National Economic and Development Authority, ang isang taon na kawalan ng face-to-face classes ay magdudulot ng P11 trilyong productivity losses sa susunod na 40 na taon.

Dahil bumalik muli sa Alert Level 3 ang Metro Manila at ilang probinsya, hindi tinuloy ng DepEd ang expansion ng limited face-to-face classes.

(ManilaTimes.Net)

Continue Reading