Education
Pilot FACE-TO-FACE CLASS planong gawin sa 120 na PAARALAN -DepEd
Plano ng DepEd na magsagawa ng dryrun face-to-face classes sa 120 na mga paaralan, kung papayagan ito ni Pangulong Duterte.
Sinabi ni DepEd Usec. Nepomuceno Malaluan, wala pang natutukoy na mga paaralan kung saan isasagawa ang dryrun at aayusin pa ang proseso. Kapag naayos na ang joint guidelines ng DOH at DepEd.
Maka ilang ulit nang ibinasura ni Pangulong Duterte ang face-to-face dryrun dahil sa banta ng mas nakahahawang Delta variant.
Umaasa naman ang mga private schools na madaragdagan ang bilang ng kanilang mga enrollees ngayong taon, ito’y matapos bumagsak sa 50.54 percent ang bilang ng enrollment kumpara sa nakaraang taon. Nasa 4.3M ang mga enrolees ng pribadong eskuwelahan nooong 2019-2020, at bumaba ito sa 2.17M.
Sinabi ni Federation of Association of Private Schools Administrator President Eduardo Kasilag, “Ang inuuna ng mga parents natin of course the food, and then yung health dahil takot sa Covid, pangatlo pa lang yung education. Sabi nila, “wag muna sir, pagbigyan nyo muna kami na makapunta sa public school para lang maituloy”, at naiintindihan naman namin ‘yun.”
Tiniyak naman ng DepEd na magpapatuloy ang subsidy para sa mga senior highschool, na gustong mag-aral sa private school. Ang Senior High School Voucher Program ay nagkakahalaga mula Php 17,500 hanggang Php 22,500 depende sa rehiyon o lokasyon ng paaralan.
(Source: TeleRadyo Balita, ABS-CBN News)