Education
SAGOT NI DEPED SEC. BRIONES SA ISSUE NG ONLINE KOPYAHAN: “WE WILL NOT TOLERATE IT
Nakikipag-ugnayan na umano ang Department of Education sa mga otoridad upang imbestigahan ang Facebook group na “Online Kopyahan” matapos lumabas sa social media ang mga balita na ginagamit umano ito ng mga mag-aaral upang mandaya sa pagsagot ng kanilang mga aralin.
“We are now seeking the assistance of authorities in tracing kasi mayroon naman talagang may questions kasi tayo diyan at may key answers tayo diyan. Kung na-leak ba ‘yan o napunta sa estudyante o nagkopyahan, kailangan imbestigahan natin ‘yan,”
pahayag ni Department of Education Secretary Leonor Briones kahapon ng Lunes sa isang Palace briefing.
Dagdag pa niya, ang isyu ng kopyahan ay matagal nang umiiral sa iba’t ibang aspeto ng lipunan, hindi laman sa edukasyon.
“Ang question ng cheating ay hindi lamang
question sa education. Hindi lamang sa exam at
edukasyon. Question ‘yan sa buong lipunan ng
Pilipinas. At ‘yang question ng cheating in schools ay lingering issue yan. Hindi ko jinajustify. I’m saying that it’s there and we will not tolerate it.
“We will take steps and we are already in touch with appropriate authorities because we will not tolerate it [cheating], at least in education,” pagtitiyak ni Briones.