Education
UP, DLSU, bumaba ang pwesto sa World Academic Rankings
Parehong nahulog sa rankings ang University of the Philippines at De La Salle University sa Times Higher Education (THE) World University Rankings 2022.
Mahigit 16,000 mga institutions ang ina-assess ng World University Rankings gamit ang 13 “calibrated performance indicators” upang makapagbigay ng komprehensibo at balanseng paghahambing.
Mula sa Top 500 higher education institutions sa buong mundo noong nakaraang taon, ngayon nasa 601-800 bracket ang UP.
Unang nakapasok ang UP sa rankings noong 2016 na nasa 800+ rank, umakyat ito sa 601st-800th noong 2017 at naging 501st-600th sa 2018.
Samantala, ang DLSU ay nahulog sa 1201+ spot mula sa 1,000+ rank nila noong isang taon.
Noong unang nasama ang La Salle sa rankings, nasa 801st-1000 spot sila noong 2018.
Parehong bumaba ang overall score ng UP at DLSU na nag-tatally ng 32.0-37.9 at 10.6-23.3, mula sa 39.8-43.5 at 10.3-25.
Ayon sa ulat ng PhilStar, lumaglag ang scores ng UP sa tatlong kategorya, teaching (from 23.5 to 22.6), citations (86.7 to 74.3), at international outlook (33.4 to 33.1).
Pero, tumaas ang kanilang score sa industry income (from 39.5 to 41.7) at research (16 to 17.5) scores.
Sa DLSU naman, bumaba rin ang kanilang teaching (from 19.0 to 18.2), citations (22.4 to 21.8), at international outlook (26.9 to 26.0).
Tumaas naman ang score nila sa research (12.7 to 12.9) at industry income (33.4 to 34.8).
Ang Oxford University sa United Kingdom ay ang nanatiling pa ring top university sa rankings sa ikaanim na magkakasunod na taon, na may overall score na 95.7.
(Source: PhilStar)