Connect with us

Environment

Mahigit 766 milyong kilos ng cigarette butts ang tinatapon taun-taon – UNEP

Published

on

cigarette butts

Ang cigarette butts ang pinaka-common na plastic litter na makikita sa mga dalampasigan at nag-aaccount ito sa mahigit 766 milyong kilos sa mga toxic trash bawat taon, ayon sa United Nations Environment Program (UNEP).

Batay sa UNEP, sa buong mundo, mahigit anim na trilyong sigarilyo ang ginagawa taun-taon, bawat isa ay naglalaman ng mga filter o butts na pangunahing binubuo ng microplastics (known as cellulose acetate fibers).

“Cigarette butts that are not properly disposed of get broken down by factors such as sunlight and moisture, thus releasing microplastics, heavy metals and many other chemicals which impact the ecosystems’ health and services,” sabi ng UNEP, ayon sa ulat ng PhilStar.

Kung ito’y nakain, ang mga hazardous chemicals sa microplastic ng sigarilyo ay makakadulot ng long-term mortality sa marine life, kabilang ang mga ibon, isda, mammals, halaman at reptiles.

“These microplastics also enter the food chain and are associated with serious human health impacts, which can include changes to genetics, brain development, respiration rates and more,” dagdag ng UNEP.

Time to Raise Awareness

Upang ma-address ang isyu, nagkaroon ng bagong United Nations partnership para mag-raise ng awareness patungkol sa mga environmental at health impacts ng microplastics sa cigarette butts, ang pinaka-discarded waste item sa buong mundo.

Ang UNEP at ang Secretariat ng World Health Organization-Framework Convention sa Tobacco Control ay nakatakdang maglulunsad ng isang social media campaign upang i-highlight ang isyu.

Ang partnership ay i-fafacilitate sa pamamagitan ng Clean Seas campaign ng UNEP, isang global coalition na binubuo ng 63 na mga bansa na devoted sa pagwawakas ng marine plastic pollution.

Ang campaign ay naglalayong makipag-ugnayan sa mga influencer gayundin sa Goodwill Ambassadors ng UNEP at Young Champions of the Earth.

(PHILSTAR)

Continue Reading