Connect with us

Facts & Trivia

Facts and Trivia: Space Exploration

Published

on

Larawan mula sa www.google.com/images

Lubos ang pagbubunyi ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) dahil sa bagong milestone na narating ng ahensya kung saan naganap nitong nakaraang Biyernes ang kauna-uanahang paglalayag sa outer space ng isang pangkat na puro babae.

Ang pangkat na naatasang magpalit ng power controller sa International Space Station at tinaguriang all-female spacewalking team ay kinabibilangan ng mga astronauts na sina: Christina Koch, Jessica Meir.

Alamin ang iba pang mga facts and trivia tungkol sa space exploration!

  1. Ang Space Race ay kompetisyon sa kung sino ang may kakayahang mauna at ang may mahusay na spaceflight capability, sa pagitan ng Soviet Union at United States. Tumagal ito mula 1955 – 1975.
  2. Ang kauna-unahang artificial satellite na inilabas sa outer space ay ang Sputnik 1 ng mga Soviets na ini-launch noong October 4, 1957.
  3. Isang asong nagngangalang Laika ang kauna-unahang hayop na ipinadala sa outer space at nakapag-orbit lulan ang Soviet Sputnik 2, noong November 3, 1957. Sa kasamaang-palad, namatay ang aso habang nasa space.
  4. Si Lt. Yuri Gagarin, isang Russian,  ang kauna-unahang tao sa outer space at nakapag-orbit sa mundo, sakay ng Vostok 1, noong April 12, 1961.
  5. Ang astronaut na si Neil Armstrong ang kauna-unahang tao na nakaapak sa buwan.  Noong July 20, 1969,  he took that  “one giant leap for mankind.”
  6. Noong January 28,1986, nagana pang kauna-unahang trahedya na may kinalaman sa space exploration. Sumabog ang space shuttle Challenger, 73 segundo pa lamang ang nakalilipas matapos ang liftoff. Nasawi ang pitong crew nito, kasama si Christa McAuliffe, isang guro mula sa New Hampshire, na siya sanang magiging kauna-unahang sibilyan sa outer space.
  7. Si Kathy Sullivan ang tinaguriang “America’s first female spacewalker” na ipinadala sa outer space October 11, 1984.
  8. Si Daniel Angelo Roque, o mas kilala bilang Chino Roque, ang kauna-unahang Filipino astronaut matapos makasama sa 23 candidates ng Axe Apollo Space Academy (AASA) na ipadadala sa first commercial suborbital flights ng XCOR Aerospace.
  9. Ang Diwata-1 ang kauna-unahang microsatellite ng Pilipinas, na ipinadala sa space lulan ang Atlas V rocket, noong March 23, 2016.
  10. Ang minor planet na 13241 Biyo ay ipinangalan kay Dr. Josette Biyo. Siya ay isang Pinoy na kasalukuyang Director ng  Philippine Science High School (PSHS) Western Visayas Campus.

Source:

https://aerospace.org
https://www.apnews.com
https://www.cnnphilippines.com