Connect with us

Facts & Trivia

ATI-ATIHAN FESTIVAL

Published

on

Larawan mula sa www.googlee.com/images

January na naman mga KaTODO! Naririnig nyo na ba ang dagundong ng mga tambol?

Unti-unti na ring nagsismula ang mga street dancing events na kung tawagain ay sad-sad. Babaha na ulit ng mga makukulay na indigenous costumes.

Hudyat ito na ilang araw na lang, Ati-Atihan na naman!

Alamin ang ilan sa mga Facts and Trivia tungkol sa pinakamamahal at ipinagyayabang nating festival.

  1. Ang Ati-Atihan ay tinaguriang “Mother of All Philippine Festivals,” at sinasabing pinaka masiglang pagdiriwang.
  2. Sinasabing nagsimula ang Ati-Atihan noong 13th Century kung saan 10 mga Datu mula sa isla ng Borneo ang nanirahan sa ating bansa na maluwag naming tinanggap ng mga katutubong Ati.
  3. Ang Ati-Atihan ay idinaraos hindi lamang sa Kalibo kundi maging sa iba pang bayan sa lalawigan ng Aklan gaya ng Ibajay at Makato.
  4. Noong unang panahon, itinuturing na pagan festival ang Ati-Atihan dahil sa mga ritwal na may kinalaman sa Animism gaya ng pagsamba sa anito.
  5. Sa kasalukuyan, ang pagdaraos ng Ati-Atihan ay idinaraos na bilang isang isang religious festival, alay para kay Sr. Sto. Nino.

Tunay na ang Ati-Atihan Festival ay isa sa mga yaman ng Aklan na dapat tangkilikin at ipagmalaki. Nakikita rito ang mayamang kultura ng lalawigan, maging ang malalim na pananampalataya ng mga Aklanon. Kitakits mga KaTODO! Viva!