Facts & Trivia
Bamboo organ sa Pilipinas, dalawa na
Kasalukuyang ginagawa ang ikalawang bamboo organ ng Pilipinas sa St. James the Apostle Parish Church, sa bayan ng Betis, lalawigan ng Pampanga. Nakatakda itong gamitin sa pagtugtog ng mga liturgical music sa taong 2021, sa pagdaraos ng sa ika-500 anibersaryo ng Kristiyanismo ng bansa.
Ayon kay Cealwyn Tagle, nagtatag ng Diego Cera Organbuilders Inc., umabot ng 195 na taon bago ang pagkakaroon ng ikalawang bamboo organ. Ang kauna-unahang bamboo organ ay binuo ng isang paring Augustinian na si Diego Cera. Ito ay nasa St. Joseph Parish Church sa lungsod ng Las Piñas , Metro Manila, ang orihinal nitong kinalalagyan.
Ang bamboo organ ay may taas na 4.6 metro tall at lapad na 2.4 metro. Ito ay tinatayang matatapos ang ikalawang sa katapusan ng Nobyembre,
Ang 47-años na si Tagle ay nakagawa na ng mga organs sa labas ng bansa. Ipinadala rin siya ng Belgian Missionaries sa Austria at bingyan ng scholarship upang matutunan ang paggawa ng mg organs.
Saad pa ni Tagle, ang mga poles na kawayan na siya ring nagsisilbing pipes para sa organ, at “locally sourced and have received modern preservation treatment so they will last a long time.”
Ayon diumano kay Cera, ang mga kawayang ginamit sa unang organ ay dumaan sa sinaunang paraan ng preserbasyon, kung saan ibinaon ang mga ito sa buhangin sa loob ng anim na buwan.
Tinatayang 70 porsiyento ng kabuuan ng bamboo organ ay gawa sa kawayan.