Facts & Trivia
Base sa Karamihan ito’y isang “Unsolvable Question”; Bakit Sila Mali?
May isang tanong na nagviral sa internet noong mga nakaraang taon.
“If a ship had 26 sheep and 10 goats aboard, how old is the ship’s captain?” Ito ay tinanong sa mga 5th graders sa China.
“Pag ang isang barko ay mayroong 26 na tupa at 10 kambing na sakay, ilang taon na ang kapitan ng barko?”
Sa tingin niyo, ano ang tamang sagot para dito?
Dahil sa tanong na ito ay nakakuha ito ng maraming media coverage.
Tulad lamang sa South China Morning Post “26 sheep + 10 goats = a lot of flak over China primary school maths exam question”
RT News “26 sheep, 10 goats & ship’s captain: Unsolvable math problem puzzles Chinese students.”
BBC “‘Unsolvable’ exam question leaves Chinese students flummoxed”
At ang, Washington Post “This Chinese math problem has no answer. Actually, it has a lot of them”
Pero ang tamang kasagutan sa tanong, ay hindi ang punto ng istorya.
Sa katotohanan hindi nagmula sa China ang tanong na ito. Ito ay nagmula sa France, at halos 40 taon na ang nakalipas.
Nagsimula ang ganitong mga tanong noong 1979 nang tinanong ng mga French researchers sa mga first and second graders ito:
“On the boat, there are 26 sheeps and 10 goats. What is the age of the captain?”
Parehong katanungan, 40 taon na ang nakalilipas.
Inaasahan ng mga researchers na halos lahat ng mga estudyante ay iisipin na walang kasagutan ang tanong na iyon, na ang tamang sagot ay “there is not enough information.”
Ngunit, laking gulat nila ng matagpuan na halos 3/4 sa mga estudyante ay sinubukang sagutin ang tanong sa pamamagitan ng pag manipulate ng mga numero.
Ganito ang kanilang mga sagot, “Okay, the age must be 26 plus 10, which equals 36, so age is 36.”
May mangilan-ilang lamang na mga estudyante din ang nagtanong kung kaya ba talagang sagutan ito. At hindi lang isang beses nangyari ito. Ang pag-aaral ay ginawa rin sa France, Germany, at Switzerland.
Sapagkat, akala rin ng mga researchers na hindi ito maaari at isa lamang siyang fluke. Hindi sila naniniwala sa hypothesis na mamanipulahin ng mga estudyante ang mga numero sa tanong para makakuha ng sagot.
Pero pareho parin ang nangyari.
Ang tanong ay ganito: “There are 125 sheep and five dogs in a flock. How old is the shepherd?” Ang tamang sagot rito ay “there is not enough information.” Pero nagulat ang mga researchers sa mga naging sagot nila.
Marami sa mga estudyante ang nakakuha ng sagot sa pamamagitan ng pag-manipulate ng mga numero sa tanong.
Ganito nasagutan ng isang estudyante ang tanong: “Well, 125 plus 5 equals 130. That’s too old of an age and 125 minus 5 equals 120, that’s also too old of an age. But 125 divided by 5 equals 25.” So naisip ng estudyante na 25 na ang edad ng shepherd.
Kaya balikan natin ang orihinal na tanong, “If a ship had 26 sheep and 10 goats aboard, how old is the ship’s captain?”
May isa na nagbahagi ng kaniyang sagot, at ganito niya ito nasagutan:
“The total weight of 26 sheep and 10 goats is 7,700 pounds, based on the average weight of each animal.”
“In China, if you’re driving a ship that has more than 5,000 kilograms of cargo, you need to have possessed a boat license for at least five years.”
“The minimum age for getting a boat’s license is 23, so [the captain is] at least 28.”
Samakatuwid, ang edad ng kapitan ayon sa critical thinking ng sumagot ay 28.
Ayon sa official response ng China, hindi raw itong isang pagkakamali. Ito ay isang open ended na question para mahikayat gamitin ang critical thinking ng mga estudyante.
Pag ganun, ano ang punto ng pagsasanay na ito?
Ginawa ang pagsasanay na ito upang magamit natin ang ating critical thinking skills at isipin na hindi lahat ng tanong ay kailangang may tamang sagot.