Connect with us

Facts & Trivia

Chinese New Year

Published

on

Larawan mula sa www.georgetangchineseastrology.com

Namumula na naman ang paligid, bumabaha ng kiat-kiat, at unti-unti na namang uma-alingawngaw ang mga katagang, “Gong hei fat choy.” Yes! Tama ang iniisip mo. Dalawang araw bago sumapit ang araw na ito, mga KaTODO, basahin ang dagdag kaalaman tungkol sa Chinese New Year.

1. Nag-iiba ang petsa ng Chinese New Year kada taon.

– Ito ay dahil sumusunod ito sa lunar calendar ayon sa galaw ng buwan. Ngayong 2020, ang Chiese New Year ay gaganapin sa January 25.

2. Kilala rin ito sa iba pang pangalan

Ang Chinese New Year ay tinatawag ring Spring Festival at Lunar New Year.

3. Ang Chinese new Year ay nagsisimula sa bagong animal’s zodiac year.

– Sa China, ang isang lunar cycle ay binubuo ng 60 years. May tinatawag din silang small cycle na binubuo ng 12 years. Ang bawat taon sa loob ng 12 years ay may katumbas na animal sign: Rat, Ox, Tiger, Rabbit, Dragon, Snake, Horse, Sheep, Monkey, Rooster, Dog, and Pig. Ang taong 2020 ay Year of the Rat.

4. Ang Chinese New Year ay idinaraos sa loob ng 15 araw.

– Ang pinaka-peak ng selebrasyon nito ay ang bespiras ng Chinese New Year at ang unang araw ng Lunar New Year. Ang ika-15 araw ang hudyat ng pagtatapos ng pagdiriwang nito, na simula naman ng Lantern Festival.

5. Ipinagdiriwang ng 17% ng populasyon ng mundo ang Chinese New Year

– Maliban sa Mainland China, ipinagdiriwang din ang Chinese New Year sa Hong Kong, Taiwan, Vietnam, Singapore, Pilipinas at iba pang bansa, gayundin sa iba’t ibang Chinatowns sa mundo. Sa paglipas ng mga taon, at sa patuloy na migrasyon ng mga Tsino, lumaganap ang pagdiriwang ng Chinese New Year sa New York, London, Vancouver, Sydney, at iba pang mga lungsod sa mundo.

6. Itinuturing itong pinakamahabang holiday sa China

– Halos lahat ng empleyado ay nakabakasyon sa loob ng 7-12 araw, habang ang mga estudyante naman ay 1 buwan. Ngayong 2020, tumatakbo ang Chinese New Year mula January 24 hanggang January 30.

7. Ang Reunion Dinner ay itinuturing na isang ritwal

– Para sa mga Tsino, pinakamahalagang ritwal ng Chinese New Year ay ang sama-sama nilang paghahapunan bilang paggunita sa mga kaganapan ng nakalipas na taon.

8. Isa sa mga tradisyon sa Chinese New Year ang pagbibigay ng Ang Pao

– Naniniwala ang mga Tsino na ang pagbibigay ng Ang Pao ay paraan upang maibahagi ang kanilang swerte, lalo na sa mga nakababata. Ang red na kulay ng Ang Pao ay sumisimbolo sa good luck and happiness habang ang pera naman sa loob na ito ay itinuturing na swerte.

9. Maliban sa Ang Pao, halos lahat ng dekorasyon sa Chinese New Year ay pula.

– Sa kulturang Tsino, ang kulay pula ay sumisimbolo sa mga sumusunod: happiness, wealth and prosperity. Pinaniniwalaan din ito na nakapagtataboy ng evil spirits at naghahatid ng good luck.

10. “Guo Nian Hao” at “Gong hei fat choy” ang pinaka-gamit na pagbati.

– Ang  “Guo Nian Hao” na nangangahulugang “pass the New Year well”  at ang “Gong hei fat choy” na ang ibig sabihin ay “wishing you great happiness and prosperity” ay ang madalas na ginagamit na pagbati tuwing Chinese New Year.

Source:
https://www.travelchinaguide.com