Connect with us

Facts & Trivia

Facts and Trivia – 13th Month Pay

Published

on

Larawan mula sa www.google.com/images

Nasa ikalawang buwan na tayo ng Ber Months, at alam nating lahat na pagpasok pa lang ng Septyembre, nagsisimula na ang countdown sa – – – pinakaaasam na 13th month pay!

Alamin at unawain natin ang ating favorite month of the year!

1. Ano ang 13th month pay?

–  Ang 13th month pay ay isang monetary benefit na katumbas ng monthly basic pay ng isang empleyado. Ang computation nito ay pro-rata, ayon sa bilang ng buwan na employed ang isang empleyado sa employer nito sa loob ng 1 calendar year.

* Kasama sa basic pay ang lahat ng natatanggap ng empleyado para sa serbisyong kanyang ginawa, kasama ang cost-of-living allowances; subalit hindi kasama ang mga allowance at incentives na pera na hindi itinuturing na bahagi ng regular o basic pay gaya ng: halaga ng di-nagamit na vacation at sick leave o leave conversion, overtime, premium, night differential, maternity leave benefits, at holiday pay.

* Pro-rata: Makukuha lamang nang buo ang 13th month pay kung umabot nang isang buong taon o 12 buwan ang employment Kung anim na buwan pa lang sa trabaho pagdating ng December, hindi mo makukuha nang buo ang iyong 13th month pay. Ang makukuha mo lang ay ang katumbas ng panahong ikaw ay employed.

2. Sino-sino ang dapat magbayad ng 13th month pay?

– Ang lahat ng establishments ay dapat magbigay ng 13th month pay sa  kanilang mga rank-and-file employees o yaong mga karaniwang tauhan, kahit ilan pa ang mga ito.

3. Sino-sino ang nararapat makatanggap ng 13th month pay?

– Ang lahat ng rank-and-file employees nang di-bababa sa isang buwan ay dapat makatanggap ng 13th month pay.

4. Kailan dapat ibigay ang 13th month pay?

– Kailangang ibigay ang 13th month pay nang hindi lalampas sa December 24 ng bawat taon. Maaari ring magpasya ang employer na ibigay ang kalahati ng 13th month pay bago ang pagbubukas ng regular school year at ang natirang kalahati naman ay ibibigay nang di-lalampas sa Disyembre 24 ng bawat taon.

5. Paano ang computation ng 13th month pay?

– Pagsama-samahin ang monthly basic pay sa loob ng 1 calendar year at hahatiin ito sa 12. Kung nakaisang taon o higit na sa trabaho, ang computation nito ay ang sahod mula January hanggang  December, at hahatiin sa 12. Kung hindi pa nakakaisang taon, computation nito ay ang sahod mula sa buwan na nag-umpisa hanggang December, at hatiin sa 12.

Halimbawa ng computation ng 13th month pay, kung ang monthly basic pay mo ay P15,000

=1 taon sa trabaho: P15,000 x 12 buwan = P180,000/12 = P15,000 (13th month pay)

<1 taon sa trabaho: P15,000 x 8 buwan = P120,000/12 = P10,000 (13th month pay)

                Tandaan na mga rank and file employees o mga karaniwang tauhan lamang ang may karapatan sa 13th month pay. Nakasaad sa Labor Code ang kaibahan ng rank and file employee at  managerial employee. Ang managerial employee ayon sa Labor Code ay “empleyadong binigyan ng kapangyarihang magpatupad ng batas pampangangasiwa at/o tumanggap, maglipat, magsuspinde, magtanggal, muling magpabalik, magtalaga, o magdisiplina ng mga kawani, o epektibong magrekomenda ng mga nabanggit na aksiyon.” Lahat ng hindi saklaw ng paglalarawang ito ay itinuturing na rank and file employee.

                Gaano man kalaki o kaliit ang matatanggap na 13th month pay ngayong taon, laging isa-isip at isa-puso na panalo pa rin ang wais at  masinop.

Source:
https://www.officialgazette.gov.ph