Facts & Trivia
FACTS and TRIVIA: Ano ang ibig sabihin ng New Year song na Auld Lang Syne?
Happy New Year mga KaTODO. Sa ikalawang araw ng taong 2020, alamin natin ang kwento sa likod ng New Year song na taon-taon nating naririnig sa mga New year countdown – ang “Auld Lang Syne”.
Pero alam ba natin ang ibig sabihin ng kantang ito? Anong lenggwahe ba ito? Masaya sigurong malaman ang sagot sa mga katanungang ito, mga KaTODO.
Ang “Auld Lang Syne” ay isang matandang Scottish song na unang isinulat noong 1700s, subalit ang transcription ni Robert Burns ang mas kilala kung kaya’t mas naiugnay ito sa kaniya.
Ang “Auld Lang Syne” ay nangangahulugang “old long since” or “times gone by” sa mas payak na talastasan. Tinugtog ito ni Guy Lombardo at ng kaniyang banda sa isang New Year’s Eve concert noong 1929 na nai broadcast sa radyo. Doon nagsimula na iugnay ito bilang New Year song.
Source:
howstuffworks.com