Facts & Trivia
FACTS AND TRIVIA: HALLOWEEN
Tuwing Halloween, marami sa atin ang pinaghahandaan kung ano ang costume na isusuot. Ang ilan naman ay kung saan pwedeng magtakutan. Para sa mga bata, saan pupunta para sa trick or treat. Pero sabi nga nila, theres more to it than what we thought it to be.
Narito ang ilan sa mga facts and trivia tungkol sa Halloween.
- Ang Halloween ay nagsimula more than 2,000 years ago.
Nagsimula ang Halloween bilang isang pre-Christian Celtic festival na kung tawagin ay Samhain na ang ibig sabihin ay “summer’s end. Tuwing November 1, idinaraos ito bilang hudyat ng pagtatapos ng panahon ng tag-ani, at para sa pagtawid ng kaluluwa ng ating mga yumaong mahal sa buhay patungo sa kabilang mundo. Ang mga taga Ireland, United Kingdom, at Northern France naman ay naniniwalang maitataboy ang masasamang espirito sa pamamagitan ng pagsisindi ng sacrificial bonfires at pagsusuot ng mga nakakatakot na costumes.
- Ang Trick-or-treat ay nagsimula noong medieval times.
Ang trick or treat ay dating kilala sa Scotland at Ireland sa tawag na “guising.” Ang mga kabataan noon ay nagsusuot ng mga costumes at nanghihingi ng pagkain o pera kapalit ng kanilang pag-awit, pagtula, at iba pang “tricks.”
- Ang Halloween ang itinuturing na second largest commercial holiday sa Estados Unidos.
Pumapangalawa lamang ang Halloween sa Pasko. Ayon sa National Retail Federation, umabot sa halos $9 billion ang naitalang gastos sa costumes at treats ng mga taga Estados Unidos, noong isang taon lamang.
- Mayroong phobia sa Halloween
Kabilang sa maraming mga maaaring katakutan ay ang Halloween. Ang tawag sa phobia o pagkatakot na ito ay Samhainophobia.
- Ang Aklanon version ng trick or treat ay “Kaeag kaeag, pinais.”
Ito ay ginaganap, particular sa bayan ng Ibajay, kung saan ang mga bata ay nag-iikot ng may mga “tarak-tarak” o laruang sasakyan na gawa sa lata at itinutulak nang may nakatirik na kandila. Pupunta sila sa mga bahay bahay at magtatawag ng “Kaeag kaeag, ambi it pinais” na may literal na kahulugang “Kaluluwa, kaluluwa, pahingi ng suman,” sa halip na “trick or treat!” Ito rin ang dahilan kung bakit hindi nawawala ang pinais o suman sa mga inihahanda tuwing kaeag kaeag.
Sources:
www.goodhousekeeping.com
www.wheninmanila.com
www.history.com