Connect with us

Facts & Trivia

FOOTPRINT NG ISANG DINOSAUR, NADISKUBRE NG 4-TAONG GULANG NA PASLIT

Published

on

Nadiskubre ng isang 4 na taong gulang na batang babae ang umano’y yapak ng isang dinosaur sa dalampasigan ng Wales, nitong nakaraang buwan lamang.

Sa pahayag ng National Museum Wales, kinilala ang batang babae na si Lily Wilder. Kasama ni Lily ang amang si Richard nang Makita nito ang dinosaur footprint sa Bendricks Bay.

Kuwento naman ni Sally, ina ng bata, “Lily saw it as when they were walking along, and said ‘Daddy look!’ “When Richard came home and showed me the photograph, I thought it looked amazing.”

Dagdag pa ni Sally, “Richard thought it was too good to be true. I was put in touch with experts who took it from there.”

Ayon kay Cindy Howells, Palaeontology curator ng National Museum of Wales, ang fossilized footprint na nadiskubre ng bata ay itinuturing na “the best specimen ever found on the beach. It shows the structure of the dinosaur’s foot, as well as individual pads and claw impressions.” May haba itong humigit kumulang 10 sentimetro.

Hindi man natukoy kung anong uri ng dinosaur ang nagmamay-ari ng footprint, pinaniniwalaan namang payat ito, at naglalakad gamit ang dalawang hind legs. Tinatayang nasa 75 sentimetro ang tangkad nito at 2.5 metro naman ang haba. Maaaring mga insekto at maliliit na hayop ang pangungahing pagkain nito.Tinataya ring nasa 220 milyong taon na ang footprint.

Sa permiso ng Natural Resources Wales, nakuha na mula sa Bendricks Bay ang fossil at ilalagak sa National Museum Cardiff.

Source: