Facts & Trivia
METEORITE, BUMAGSAK SA GLOUCESTERSHIRE, UK
Natagpuan ang ilang bahagi ng animo’y bolang apoy na naging dahilan ng pagliwang ng himpapawid sa katimugang bahagi ng England.
Napag-alamang bahagi ang mga ito ng meteorite na bumagsak sa Winchcombe, Gloucestershire, UK.
Nauna rito, nakatanggap ang mga kinauukulan ng tawag mula sa isang pamilya tungkol sa wari’y mga sunog na tumpok ng bato sa kanilang driveway.
30 taon na ang nakalilipas nang matagpuan ang huling meteorite material sa UK. Ikinatuwa rin ng mga eksperto dahil bihira umano ang rock type na pinakabagong natagpuan sa UK.
Ayon kay Dr Ashley King ng London’s Natural History Museum, “Carbonaceous chondrites are particularly special because they are essentially the left-over building blocks of our Solar System.
Dagdag pa niya, “Many contain simple organics and amino acids; some of them contain minerals formed by water – so, all the ingredients are there for understanding how you make a habitable planet such as the Earth.”