Facts & Trivia
PINAKAMALAKING MANI SA MUNDO, NILAGYAN NG HOLOGRAPHIC TAG PARA IWAS-PEKE
Pinaigting na ang anti-counterfeiting system ng pinakamalaking mani sa mundo, ang coco de mer, upang maiwasan ang pamemeke dito.
Umaabot sa kalahating metro ang laki ng coco de mer, at may bigat na aabot sda 25 kilos. Matatagpuan lamang ito sa dalawang isla sa Seychelles archipelago sa Indian Ocean.
Ang balat ng mani ay popular na souvenir sa mga turista habang ang mismong laman nito ay paboritong kainin sa mga Asian countries dahil sa aphrodisiac qualities nito.
Dahil bihira lamang makita at mataas ang demand para sa mani na ito, madalas ay target ito ng mga poacher at namemeke.
Dati nang may anti-counterfeiting tag system ang coco de mer subalit madali umano itong mapeke kaya naisipan ng Seychelles Ministry of Environment, Energy and Climate Change na paigtingin ang security features nito.
“Our coco de mer need to have better protection,” ani Alain de Comarmond, principal secretary ng Ministry of Environment, Energy and Climate Change.
“Due to thefts and falsification of the old tag, the ministry had to invest in new security measures,” dagdag pa niya.
Ayon kay de Comarmond, gumawa sila ng bagong high-tech tag na may holographic security features at permit system upang maging mahirap itong pekehin. .
“The new tag and permit system will improve the way the coco de mer is being produced, the way it is managed and traded. The system will assist us to further fight poaching and other violations that threaten the endemic species,” pahayag pa ni de Comarmond.
Ang coco de mer ay kasama sa listahan ng mga threatened species. Ang pagmamay-ari, pamamahagi, at pag-export ng mani na ito ay pinoprotektahan ng mahigpit na international laws.
Nabibili ang mga mature nuts sa merkado sa halagang $450 $750 kada kilo