Connect with us

Food

BUTUNG BUTUNG AT BUKAYO 😍 ILANG NATIVE DELICACY SA ANTIQUE IBINIDA

Published

on

Iba’t-ibang native delicacy at cuisine ang ibinida sa isang event kamakailan lang sa probinsiya ng Antique.

Itinampok ang mga napakasarap na pagkain sa Facebook page ng Culinary Stage ng Antique.

Ipinagmamalaki ng bayan ng Laua-an sa Barangay Guinbanga-an ang kanilang Butung-Butung o Pulled Candy.

Gawa ito mula sa Muscovado Sugar na pinalamig sa loob ng Banana Stalk.

Naghanda din ng bandi mani o “peanut brittle”, bukayo o “sweetened coconut spread” ang bayan ng Laua-an.

Samantala, naghain naman ng katakamtakam na takway adobo o “stolon of taro adobo” at ginisa na bilaog o “sauteed river clam” ang bayan ng Laua-an.

Layon umano ng nasabing proyekto na mapreserba ang culinary heritage ng probinsiya.