Government
Pasok sa mga pampublikong paaralan, magsisimula sa june 16, 2025 – DepEd


Inianunsiyo ng Department of Education (DepEd) ang opisyal nang pagsisimula ng klase sa mga public schools sa bansa sa Hunyo 16, 2025 para sa School Year 2025-2026. Ito ay hudyat nang pagbabalik na ng klase sa bansa sa orihinal na June-March school ca¬lendar, na siyang umiiral bago ang pandemic.
Alinsunod na rin ito sa itinatakda ng DepEd Order No. 12, Series of 2025.
Tatakbo ang school year 2025-2026 hanggang March 31, 2026 kung saan binubuo ng 197 na araw ng klase, kabilang ang End-of-School-Year (EOSY) rites.
Ayon sa kagawaran, maaaring mabago pa ang bilang na ito batay sa mga hindi inaasahang pangyayari at mga direktiba sa hinaharap. Samantala, ayon naman kay Senate Committee on Basic Education Chairman Senador Sherwin Gatchalian, ang pagpapatuloy ng klase sa Hunyo ay makatutulong na maibalik sa normal ang pakiramdam ng mga mag-aaral at guro matapos ang Covid-19 pandemic.