Health
10 milyong karagdagang Sinovac doses, binili ng gobyerno; Pfizer at Moderna na bakuna ma-dedeliver na sa Setyembre
Nag-order ng 10 milyong karagdagang doses ng China-made Sinovac vaccine ang Pilipinas, bilang bahagi ng pag-rollout ng national Covid-19 vaccination program, ayon kay Vaccine czar Carlito Galvez Jr. nitong Martes.
“The price of these is lower than the original price. We see that the supply is improving, steady,” aniya.
Sa isang meeting kasama si Pangulong Rodrigro Duterte, sinabi ni Galvez na nag-sign na ng purchase order para sa karagdagang CoronaVac doses ang gobyerno “to ensure a steady supply.”
Batay sa data ng National Task Force Against Covid-19, nitong Agosto 21, may kabuuang 26.5 milyong doses ng Sinovac ang na-deliver sa bansa. Mayroong 500,000 doses mula sa first order ang hindi pa na-dedeliver.
Ayon kay Galvez, nagamit na ng bansa ang lahat ng CoronaVac doses.
Sabi ng vaccine Czar na may 5 milyong doses ng Pfizer at 3 hanggang 4 na milyong doses ng Moderna ang inaasahang darating sa Pilipinas sa Setyembre.
Sinabi niya rin na mag-popokus muna ang gobyerno bumili ng bakuna na gawa ng Pfizer at Moderna, pero mananatiling bukas sa pagbili ng doses ng Sinovac.
Dagdag pa ni Galvez na nais rin ng gobyerno na bumili ng 2 milyong doses ng Sputnik Light, ang single-shot Covid-19 vaccine ng Russia, kung saan kamakailan, inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ito para sa emergency use ng bansa.
May kabuuang 48,522,890 doses ang dumating sa bansa, 30,693,019 doses nito ang na-administer na sa buong bansa.
Mayroon 17,495,330 mga Pilipino ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna, habang 13,197,689 naman ang fully vaccinated.
Reports from Manila Times and PhilStar