Connect with us

Health

14,249 na bagong kaso ng COVID-19; pangalawa sa pinaka-mataas na bilang kada araw ang naitala nitong Sabado

Published

on

PH Covid19 case

May naitalang 14,249 bagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas nitong Sabado, Agosto 14, at kung saan mayroon ng 98,847 na bilang ng aktibong kaso.

Ayon sa Department of Health (DOH) COVID-19 bulletin, ang kasalukuyang bilang ng aktibong kaso ay nag-rerepresenta sa 5.7% sa kabuuang kumpirmadong kaso ng bansa, na nasa 1,727,231.

Tinaasan pa nito ang bilang ng bagong daily cases nitong Biyernes na nasa 13,177. Ang pinaka-mataas na naitala ng DOH ay noong Abril 2 na umabot sa 15,310, ngunit nilinaw ng DOH noon, na ang bilang ay may kasamang 3,709 na mga backlog.

Mayroon ring naitalang bagong 11,714 na gumaling, kung saan umakyat na sa kabuuang bilang 1,598,314 ang naka-recover.

Karamihan sa mga pasyente, o 95.9% ng aktibong kaso, ay nakakaranas pa rin ng mga mild symptoms, habang 1% ay nanatiling asymptomatic. Ngunit, may 1.4% na mga pasyente ang kasalukuyang may severe symptoms, at 0.8% ay nasa critical condition.

Batay sa DOH, halos isa sa apat sa 52,679 na na-test mula Agosto 12 ay positobo o 24.9%.

Samantala, sa COVID-19 bed capacity sa National Capital Region, 71% ng mga intensive care unit (ICU) ang ginagamit ngayon, habang 63% ng mga isolation beds ay occupied.

Sa buong bansa, 70% ng mga ICU beds para sa COVID-19 patients ang occupied, habang 59% ng mga isolation beds ang okupado.