Health
5 milyong Filipino na ang fully vaccinated
Mayroon ng 5 milyong indibidwal ang nabakunahan sa Pilipinas laban sa Covid-19 nitong Hulyo 20, ulat ng Malacañang.
Sa isang online press briefing, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na 15.6 milyong doses ng iba’t-ibang COVID-19 vaccines na ang naibahagi simula nang mag-launched ang gobyerno ng kanilang anti-coronavirus inoculation campaign noong Marso.
Dagdag pa ni Roque, mayroon ng 10,585,261 indibidwal ang nakatanggap ng kanilang unang dose ng bakuna, habang 5,031,301 naman ang nakatanggap na ng pangalawang dose o mga fully vaccinated na.
Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., dumating na sa Pilipinas ang 562,770 doses ng American-made Pfizer COVID-19 vaccines kagabi.
Dinala ang doses sa isang cold storage facility sa Marikina upang maiwasan masira ang mga bakuna.
Nitong Miyerkules ng gabi, 51,480 shots ng 562,000 doses ng Pfizer vaccine ang na-deliver na sa Cebu mga bandang 6 p.m.
Mayroon ding 2.5 milyong doses ng China’s Sinovac COVID-19 vaccine ang inaasahang darating sa Pilipinas ngayong linggo, ayon kay Roque.
Sa isang nakaraang “Talk to the People,” sinabi ni Galvez na ang Pilipinas ay nakatanggap na ng 164 milyong doses ng COVID-19 vaccines kasama ang:
Pfizer-BioNTech – 40 million doses
Sinovac – 26 million doses
Moderna – 20 million doses
AstraZeneca – 17 million doses
Sputnik V – 10 million doses
COVAX donation – 44 million doses
COVAX cost-sharing (Johnson & Johnson) – 5 million doses
Donations from Japan and China – 2 million doses
Batay sa kanya, mayroon ng sapat na bakuna ang Pilipinas na magtatagal hanggang Agosto 17.
Dagdag pa ni Galvez na plano ng gobyerno na 7 milyong indibidwal ang kumpletong mabakunahan pagdating ng huling araw ng Hulyo.
Source: Inquirer.Net, GMANews