COVID-19
Ang Omicron na ang “dominant” variant sa Pilipinas – Duque
Ang Omicron na ang kasalukuyang dominant na Covid-19 variant sa Pilipinas, kung saan nalagpasan pa nito ang deadly Delta variant, pahayag ng Department of Health (DOH) kagabi.
Sa isang pre-recorded public address ni Pangulong Duturte, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na batay sa kanilang latest na whole genome sequencing, 60% sa mga sample na na-test ay positibo sa Omicron.
“Siya na po yung nag-dodominate na variant whereas before it was the Delta,” sinabi ni Duque sa ulat ng Manila Bulletin.
Sequencing results
As of Jan. 3, ipinakita ni Duque na ang latest sequencing results ay 29 o 60.42% sa mga samples ay positibo sa Omicron, kung saan 19 dito ay nagmumula sa Metro Manila, habang ang 10 naman ay mula sa Returning Overseas Filipinos (ROFs).
Samantala, 18 o 37.50% naman ang positibo sa Delta variant. Sampu dito ay nagmumula sa Metro Manila, habang ang natitirang walo ay mga ROFs.
Admissions
Pinapakita rin ng DOH data na as of Enero 9, may kabuuang 8,569 na admissions, 7% o 636 ay severe cases habang 3% o 271 naman ang critical cases.
Sinabi ni Duque na ito’y dahil epektibo ang pagbabakuna na isinasagawa ng bansa. Nabanggit niya rin na ang bilang ng severe at critical cases ay hindi tulad noong panahon ng Delta variant kung saan halos 3x na mas mataas ang bilang.
Bed utilization rate
Ang national bed utilization ng bansa ay nasa 40%, at nasa 38% naman ang untilization rate ng Intensive Care Unit (ICU), habang 17% ang mechanical ventilator utilization rate.
Dagdag ni Duque na halos lahat ng rehiyon ay nagtala ng pagtaas ng utilization rates.
Sabi niya rin na pinayuhan na ang mga ospital na i-prioritze ang admissions ng moderate, severe at critcal cases. Ang mga mild at asymptomatic cases naman ay hinihiling na gawin ang isolation sa mga temporary treatment at monitoring facilities (TTMFs) o sa kanilang tahanan.
(Manila Bulletin)