Connect with us

Health

Ano ang Almoranas o Hemorrhoids?

Ang almoranas o ‘hemorrhoids’ ay mga ugat sa puwet na namaga at lumago ng higit sa normal. Ito ay isang pangkaraniwang kundisyon na kadalasa’y hindi naman seryoso, ngunit nakakasagabal sa nakararami.

Published

on

Dalawa ang uri ng almoranas, may almoranas na nasa loob (internal hemorrhoids) at mayroon ding almoranas na nasa labas (external hemorrhoids). Maaaring magkasabay ang dalawang uri na ito. Magkaiba ang sintomas at paggagamot sa internal at external hemorrhoids. Bagamat maaaring maapektuhan ng almoranas ang anumang edad, ito’y pinaka-karaniwan sa edad 40-60.

ANO ANG SANHI NG ALMORANAS O ‘HEMORRHOIDS’?

Parehas sa varicose veins ang mekanismo ng pagkakaroon ng almoranas. Ang mga veins ang daluyan ng dugo pabalik sa ating puso. Kapag may “pressure” o pwersa na humaharang sa pagdaloy ng dugo pabalik sa puso, lumalaki ang mga veins. Sa ating puwit, ang pag-iri kapag nagtitibi o nagtatae ay maaaring sanhi nitong pagtaas ng “pressure” o pwersa na nagdudulot sa pagkakaroon ng “hemorrhoids”. Pagbubuntis, o pagkakaroon ng bukol sa bahaging ibaba (gaya ng pagkakaroon ng myoma sa babae o paglaki ng prostate sa lalaki) ay maaari ring magpataas ng “pressure” o pwersa, nagdudulot sa almoranas.

TOTOO BANG NAGDUDULOT SA ALMORANAS ANG PAGKAIN NG MAANGHANG?

Hindi totoo na nakakapagdulot sa almoranas ang pagkain ng maaanghang. Subalit may ilang mga bagay na maaring magdulot (risk factors) ng almoranas:

  • Madalas na pagtitibi o pagtatae
  • Madalas na pag-ubo, pagsusuka
  • Pagbubuntis
  • Pagkain ng mga pagkain na mababa sa fiber
  • Pagbubuhat ng mabibigat
  • Pagpasok ng tite sa puwit o anal intercourse

Ang mga sintomas ng almonaras ay naka-depende kung ito ay internal hemorrhoidso external hemorrhoids. Para sa internal hemorrhoids, ang pinaka-karaniwang sintomas ay pagdudugo. Ang pagdudugong ito ay maaaring mapansin na nakapahid sa toilet paper pagkatapos ng isang normal na pagdumi. Ang kulay ng dugo ay mapulang-mapula (bright red) – ibig-sabihin ay preskyo pa ang dugo. Iba pang sintomas ng internal hemorrhoids:

  • Pangangati
  • Hindi komportableng pakiramdam sa puwit
  • Kirot o hapdi – bagamat ang kirot ay mas karaniwan sa “external hemorrhoids”, maaari rin itong maramdaman sa internal hemorrhoids lalo na kung malala na.

Kalimitan, ang internal hemorrhoids ay hindi maaaring makita o makapa, ngunit kung malaki na ang almoranas maaari rin itong makita at makapa. Para naman sa external hemorrhoids, ang pinaka-karaniwang sintomas ay kirot o hapdi sa puwit (rectal pain). Maari ring mamuo ang dugo sa balat, nagkakaron ng matigas na umbok na parang pigsa. Maari ring magkaron ng mga naka-usli na balat na dulot ng napisil na vein o ugat. Itong mga naka-usli na balat o skin tags ay maaaring maramdaman o makapa; ito’y sanhi ng sagabal na isa ring mahalagang sintomas ng almoranas. Maari ring makaranas ng pangangati sa external hemorrhoids.

ANO ANG MGA MAAARING MAGING KOMPLIKASYON NG ALMORANAS O HEMORRHOIDS?

  1. Anemia – dahil sa pagkawala ng dugo sa almoranas, maaaring bumaba ang hemoglobin sa dugo at magdulot ng anemia, na ang sintomas ay panghihina at kapaguran. Ito’y isang bibihirang komplikasyon lamang.
  2. Pagkasakal sa almoranas o “Strangulated hemorrhoids” – Kapag nabarahan ang daloy ng dugo sa hemorrhoids, ito’y masasakal, at maaaring magdulot sa pagmatay ng nakapalibot na balat at laman. Kung mangyari, ito’y napakasakit at kinakailangang dalhin kaagad sa ospital. Muli, ito’y isang bibihirang komplikasyon.

ANONG DAPAT GAWING KONSULTASYON AT LABORATORY TESTS PARA SA ALMORANAS?

Ang almoranas ay maaaring ipatingin sa isang General Practitioner, Family Physician, o General Surgeon. Ito’y maaring ma-diagnose sa pamamagitan ng simpleng eksaminasyon lamang. Maaring gawin angDigital Rectal Exam (DRE) kung saan ipapasok ng doktor ang kanyang daliri (nakabalot ng gloves) sa puwit upang makapa ang almoranas. Kung hindi nito matukoy kung may almoranas ba o wala, maaaring gumamit ng proctoscope o isang instrumento na sumisilip sa loob ng puwit para makita kung may almoranas ba.

PAANO MAIIWASAN ANG ALMORANAS?

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga hakbang na pwede mong gawin para makaiwas sa almoranas:

  1. Kumain na mga pagkain na mataas ang fiber – Kapag mas malambot ang dumi, mas
  2. Uminom ng maraming tubig – Nagpapalambot rin ito ng dumi
  3. Iwasan ang pag-iri habang dumudumi – Tulad ng nabanggit na ng ilang beses, ang pag-iri ay nagpapataas ng “pressure” na siyang sanhi ng almoranas
  4. Ugaliing mag-ensayo – Ang pag-eensayo ay nagpapasigla ng pagdaloy ng dugo sa katawan, at maaaring makatulong na makaiwas sa almoranas.

Article: KALUSUGAN