Health
ANO ANG MGA DAHILAN KUNG BAKIT MAY MGA TAONG LAPITIN NG LAMOK
Nagtataka ba kayo kung bakit may mga taong sobrang habulin at lapitin ng mga lamok?
Ayon sa mga isinasagawang experimento ng mga eksperto dumidepende daw ito sa lagay ng mga bagay dahilan kung bakit nagiging habulin ng lamok ang ilang indibidwal.
Nangunguna sa listahan ang iyong blood type.
Sinasabing kung ikaw ay nabibilang sa mga indibidwal na mayroong blood type na A.
Higit ka na mas lapitin nga mga lamok ng dalawang beses kung ikukumpara sa mayroong mga blood type na B at iba pa.
Pangalawa ay kung ikaw ay mahilig kumain ng mga pagkaing gawa sa cheese, soya, yogurt at iba pang produktong may lactic acid, ikaw ay attractive umano sa mga lamok.
Ayon sa mga eksperto, sa oras na mahalo ang lactic acid na present sa mga pagkaing nabanggit sa inyong pawis nakakabuo ito ng natatanging amoy na very attractive at gustong-gusto ng mga lamok.
Ilan lamang ito sa mga kinokonsiderang factors ng mga lamok kung kaya’t sa halip na iba ang kanilang lapitan para tuloy silang hinahatak patungo sa iyo.
Kaya naman kung guilty ka sa dalawang nabanggit, tandaan na maging maingat the next time you go out para hindi na kayo maging target pa ng mga lamok, maulan man o maaraw ang panahon.