Health
Bagong pinaka-mataas na bilang ng kaso ng COVID-19, naitala nitong Sabado na umabot na sa 19,441
Nitong Sabado, may naitalang nanamang bagong pinaka-mataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa loob ng isang araw ang Pilipinas, na umabot na sa 19,441, ayon sa Department of Health (DOH).
Ito ang pangatlong beses na may naitalang bagong pinkamataas na single-day tallies ngayong buwan. Limang araw palang ang nakakalipas noong may naitala ang bansa ng 18,000 na bagong kaso.
Base sa latest bulletin ng DOH, may kabuuang 1,935,700 kaso ng COVID-19, kung saan 7.4% nito o 142,679 ay aktibo ang kaso.
Sa mga aktibong kaso, halos 95.5% ay may mild na sintomas, habang 1.8% ay asymptomatic, 1.1% naman ay severe ang sintomas, samanatala, 0.99% ang nasa moderate ang condition, at nasa 0.6% ang may critical ang condition.
Mula sa 33,000, ngayon, nasa 33,008 na ang kabuuang bilang ng namatay, kung saan 1.71% ito ng kabuuang kaso, matapos may naitalang bagong 167 na namatay.
Samantala, may 19,191 naitalang gumaling, nasa 1,760,013 o 90.9% ang kabuuang bilang ng naka-recover.
Batay sa DOH, may ni-reclassify silang 76 na gumaling at inilagay nila sa bilang ng namatay matapos suriin, at may tinanggal silang 202 na duplicates, kabilang na dito ang 191 na naka-recover.
Habang may tatlong laboratoryo naman ang hindi nakapag-sumite ng data sa oras, dagdag ng DOH.
Sinabihan din ng DOH ang publiko na ang bilang ng kaso ng COVID-19 ay maaring lalong tumaas sa mga susunod na araw.
Pinaalalahanan rin nila ang publiko na manatiling sumunod sa minimum public health standards at magpabakuna laban sa COVID-19.
Source: CNN Philippines