Connect with us

Health

Bagong variant ng COVID-19 na may pangalang “Mu” tinututukan ng WHO

Published

on

new variant named ‘Mu’

Bagong variant ng coronavirus na tinatawag na “Mu” minomonitor ng World Health Organization.

Ang Mu o scientifically, B.1.621, ay unang natagpuan sa Colombia noong Enero at naka-classify ito bilang “variant of interest,” ayon sa weekly pandemic bulletin ng global health body nitong Martes.

Batay sa WHO, ang bagong variant ay may mutations na maaring may “resistance” sa mga bakuna, at binigyan nila ng diin na maraming pag-aaral pa ang kailangang gawin, upang lalong maintindihan ito.

“The Mu variant has a constellation of mutations that indicate potential properties of immune escape,” nakasaad sa bulletin.

Maraming nag-aalala sa pag-emerge ng mga bagong mutations ng virus sapagkat tumataas muli ang bilang ng infections sa buong mundo, na sanhi ng Delta variant, lalo na sa mga hindi pa nabakunahan at sa mga lugar na hindi naging intense ang anti-virus measures.

Lahat ng viruses, kabilang na dito ang SARS-CoV-2 na nagdudulot ng COVID-19 ay nag-mumutate over time, at karamihan sa mga mutations na ito ay may maliit o walang epekto sa properties ng virus.

Ngunit, may mga mutations na nagkakaroon ng epekto sa properties ng isang virus, at ini-impluwensyahan nito ang bilis ng pagkalat ng virus, kung gaano kalala ang sakit na madudulot nito, at resistance sa mga bakuna at ibang gamot.

Sa kasalukuyan, mayroong apat na COVID-19 variants of concern, ang na-identify ng WHO, kabilang dito ang Alpha na makikita sa 193 na bansa at Delta na present sa 170 na bansa.

Samantala, limang variants, kasama ang Mu ang minomonitor.

Matapos itong unang matagpuan sa Colombia, naiulat na rin ang Mu ay na-detect sa mga South American na bansa at Europe.

Ayon sa WHO, bumaba ang global prevalence sa < 0.1% sa mga sequenced cases. Pero, sa Columbia, ito’y nasa 39%.

(Source: GMA News, — Agence France-Presse)

Continue Reading