Connect with us

Health

Cancer, diabetes, atbp, maaaring maiwasan sa tulong ng Pagma-masturebate

Published

on

Ang pagpapaligaya sa sarili o masturbation ay makatutulong umano upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit gaya ng prostate cancer, cystitis, diabetes, at iba pa. Ito ang ipinahayag ng Australian scientists na sina Anthony Santella at Spring Chenoa Cooper.

Batay sa isang U.S. survey, 94% ng mga kalalakihan at 85% naman ng mga kababaihan ang umaming nagma-masturbate.

Ayon kina Santella at Cooper, ang masturbation umano “can lower risk of type-2 diabetes (though this association may also be explained by greater overall health), reduce insomnia through hormonal and tension release, and increase pelvic floor strength through the contractions that happen during orgasm.”

Nakatutulong din umano ito upang mabawasan ang pagkakaraoon ng prostate cancer. Sa mga naunang pag-aaral, napag-alamang ang karamdamang ito ay bihirang tumama sa mga sexually active na lalaki.

Maiiwasan din ang depresyon at nakapagpapalakas ng immune function ang masturbation sa pamamagitan ng pagpapataas ng lebel ng endorphins at ng cortisol.

Dagdag pa nina Santella at Cooper, ang masturbation umano itinuturing na “most convenient method for maximizing orgasms,” na ayon sa mga mananaliksik ay nakapagpapataas ng self-esteem at nakababawa ng stress, blood pressure, at sakit.

Source: Healthy Archive