Health
Coronavirus, maaaring maipasa sa pamamagitan ng paghinga
Maaring kumalat at maipasa ang coronavirus 19 sa pamamagitan ng paghinga at pagsasalita.
Kaya ipinapayo ni Dr. Anthony Fauci isang US scientist na magsuot ng face mask.
Ayon kay Dr. Fauci, head ng Infectious Diseases ng National Institutes of Health na base sa resulta ng kanilang pag aaral ang virus ay pwedeng maipasa ng tao habang siya ay nagsasalita maliban sa pag ubo at pagbahing.
Nakasanayan na rin umano ang mga may sakit at mga nag aalaga sa mga pasyente partikular ang mga covid patient lamang ang nag susuot ng face mask.
Ayon pa kay Dr. Fauci hindi pa naman ito conclusive subalit ito umano ang lumalabas sa kanilang pag aaral na ang virus ay maipapasa sa paghinga o aerosolization at nanamatili ito sa hangin hanggang 3 oras.
Nagsagawa rin umano sila ng pag aaral sa mga ospital sa Wuhan, China kung saan epicenter ng Covid 19 at nkitang may dalawang major areas kung saan ang virus ay na aerosolized, Una sa banyo ng mga covid patients at pangalawa sa kwarto ng mga medical staff kung saan doon nila hinuhubad ang kanilang protective gear.
Dahil matapos umano mahubad ang mga protective gear nananatili sa hangin ang mga particles o maliliit na butil at pwede itong manatili sa kamay at katawan ng tao.
Sa ngayon, respiratory droplets pa rin ang kumpirmadong mode of transmission ng covid 19 sa pamamagitan ng pag ubo at pagbahing ng carrier nito.
Samantala, umaabot naman na sa 59,000 ang namatay at sobra 1 million ang infected ng covid 19 sa buong mundo.
Source: Manila Times