Connect with us

Health

COVID-19 tila nagiging endemic na sa bansa – expert

Published

on

PANDEMIC TO ENDEMIC

Kahit nanatili pa rin ang pandemiya, may mga signs na nagpapakita na ang COVID-19 ay patungo na sa pagiging endemic sa bansa, ayon kay infectious diseases expert Dr. Edsel Salvana.

Sinabi ni Salvana sa Laging Handa briefing, na ang World Health Organization lamang ang makakapag-deklara kung tapos na ang pandemiya, kahit may mga indikasyon na ang coronavirus ay nagiging endemic na.

Kabilang dito ang mababang transmission ng virus at mababang hospitalization rate sa mga infected na indibidwal.

“Even if people get sick, because of the high level of vaccination, not too many end up in the hospital. It is virtually like the flu that, even though it still causes deaths, the number is not as high as originally,” aniya, batay sa ulat ng Inquirer.

Sinabi rin ni Salvana na pinababa ng pagbabakuna ang panganib ng kamatayan mula sa COVID-19 ng “tenfold,” dagdag niya na sa mga vulnerable na populasyon, ang panganib ay bumaba sa 1% mula 10%. Samantala, sa mga nonvulnerable, bumaba ito sa 0.1% mula 1%.

Nabanggit rin niya na mayroon nang gamot ang bansa para magamot ang mga pasyenteng may COVID-19 at lalong ipababa ang panganib ng kamatayan.

“It’s like going down to the level of flu for everyone in general because we have tools by which we have turned COVID-19 into almost an endemic virus. If we can continue this and no new variant emerges, this will continue toward endemicity,” aniya.

Ngunit, binigyang-diin ni Salvana na dapat patuloy sumunod ang mga Pilipino sa mga protocols upang maiwasan ang muling pag-taas ng kaso, tulad ng kasalukuyang nangyayari sa ibang bansa.

“Since our vaccination rate is increasing, it offers enough protection especially if people continue to wear masks. And we will continue our pre-departure testing, especially for places with a lot of cases, in order to reduce the risk that somebody with COVID-19 would enter the country,” pahayag niya.

Ayon kay Salvana, may possibilidad na magkakaron muli ng surge ng mga kaso sapagkat “the virus has pulled off many surprises,” dagdag niya na, “it’s important to use the tools that we know to be effective to fight COVID-19.”

(Inquirer)