Connect with us

Health

Dapat magsimula na ang pagbabakuna sa mga minors; pace ng pagbabakuna para sa mga seniors, “unacceptable” – WHO

Published

on

Vaccination Rollout

Ayon sa Senate basic education committee chair, dapat magsimula na kaagad ang programa ng pagbabakuna ng gobyerno para sa mga bata at teenagers sapagkat mabilis kumalat ang Delta variant sa mga komunidad.

Pahayag ni Sen. Sherwin Gatchalian na dapat pabilisin ang pagbabakuna sa mga wala pang 18 taong gulang sapagkat parami na ng parami ang mga kaso ng mas mapanganib na Delta variant na naitatala sa buong Pilipinas.

“By the time we get enough supply, we can already vaccinate teenagers. And this is a very crucial stage in going back to [in-person] classes,” sinabi niya.

Dagdag pa niya na ang pagbabakuna sa mga mag-aaral, “will provide an added layer of protection” dahil ang mga paaralan ay napapagiliran ng economic activity, tulad ng mga sasakyan at small retail establishments.

Slow PH pace of vaccinating seniors ‘unacceptable’

Sa kabilang dako naman, nagpahayag ng pag-aalala ang World Health Organization (WHO) nitong Sabado, sa mababang bilang ng mga senior citizen na nabakunahan laban sa COVID-19 sa bansa.

Tinawag nila na ang pace ng pagbabakuna ng Pilipinas ay “unacceptable” o hindi katanggap-tanggap sa dami ng mga bakuna na available para dito.

“We are very concerned that most of our older, more vulnerable people are still missing out on essential, life-saving vaccines against COVID-19. Not vaccinating most of our elderly now means more of them will suffer from severe illness and death. This is unacceptable when we already have adequate vaccine stocks to protect them,” ayon kay Dr. Rabindra Abeyasinghe, ang WHO representative ng bansa.

Ang mga seniors, ang bumubuo sa second priority (A2) sa program ng pagbabakuna ng gobyerno. Sumunod dito ang mga persons with comorbidities (A3) at front-line personnel sa essential sectors (A4).

“Eldery at increased risk”

Batay kay Abeyasinghe, 2.1 milyon o mga 25% lamang ng mga seniors na registered ng local government ang fully vaccinated, habang 35% palang ang nakatanggap ng unang dose.

“[This leaves] 6.4 million of the elderly at increased risk of severe illness and death. The risk is even more immediate with the possible surge in COVID-19 cases following the … circulation of the more transmissible Delta variant,” pahayag niya.

Dagdag niya pa na ang kamakailang na-donate na Janssen vaccines ay ipinamahagi sa A3 group sa kabila ng isang advisory mula sa Vaccine Cluster of the National Task Force (NTF) Against COVID-19 na priyoridad ipamahagi ito sa mga seniors.

Nagpakita rin ng data si Abeyasinghe na pito sa sampung COVID-19 deaths sa bansa ay nagmumula sa mga 60 at paatas na edad na grupo.

Source: Inquirer.Net