Connect with us

COVID-19

Delta pa rin ang dominant variant sa bansa at hindi Omicron, nilinaw ng DOH

Published

on

Delta variant

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na ang Delta variant pa rin ang nanatiling dominant variant ng Covid-19 sa bansa at hindi Omicron.

“At present, the Delta variant is still the most common lineage in the country, comprising about 43 percent of detections, followed by the Beta variant at 18 percent, and the Alpha variant at 15 percent. There are still 43 cases of Omicron, comprising 0.21 percent of detections,” sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang online media briefing, batay sa ulat ng Inquirer.

Sinabi ito ni Vergeire isang araw matapos sabihin ni Health Secretary Francisco Duque III sa briefing kasama si Pangulong Rodrigo Duterte na 60% ng mga samples na na-sequenced kamakailan ay nag-positibo sa Omicron Variant, dahil dito ito na ang dominant variant.

Ayon kay Vergeire, ang tinutukoy lamang ni Duque ay ang dominant variant na makikita sa latest genome sequencing run, at hindi ito nangangahulagan na ang Omicron ang dominant variant sa kabuuan.

Samantala, paliwanag ni executive director ng Philippine Genome Center, Cynthia Saloma na marami pa rin silang na-dedetect na Delta variant cases noong Disyembre 2021, at kamakailan lamang nagsagawa ng “purposive sampling” ang center sa mga returning overseas Filipinos at local cases sa Metro Manila kung saan na-detect ang Omicron cases.

(Inquirer.net)