COVID-19
Experimental drug N-0385 simpler and less expensive na maaaring makagamot sa ilang COVID-19 variants


Isang experimental na gamot na idinisenyo upang i-spray sa ilong ay nagpakita ng potensyal na makagamot sa ilang variants ng COVID-19 pati na rin makaiwas ng impeksyon, ayon sa isang pag-aaral sa mga laboratory mice.
Ang gamot, na tinatawag na N-0385, ay humadlang sa pagpasok ng virus sa mga cells ng mga mice kung ito’y inadminister bago ito ma-impeksiyon.
Ayon sa ulat ng mga researchers mula Cornell University sa Ithaca, New York noong Lunes sa Nature, “when given up to 12 hours after infection, it prevented the mice from becoming seriously ill.”
Ang N-0385 ay isang maliit na molecule na nag-iinhibit sa isang enzyme na tinatawag na TMPRSS2. Ang ilang mga variant ng coronavirus – ngunit hindi kabilang ang Omicron – “use TMPRSS2 and the ACE2 protein on cell surfaces” para i-fuse nila ang kanilang sarili sa cell membrane at ma-inject nito ang kanilang genetic material.
Ayon kay Hector Aguilar-Carreno, ang nanguna sa pag-aaral, ang N-0385 is simpler and less expensive to mass-produce than other types of COVID-19 treatments, such as monoclonal antibodies,” batay sa ulat ng Reuters.
Sinubukan ng kasalukuyang pag-aaral ang gamot laban sa original version ng virus at sa Delta variant, ngunit hindi pa sa Omicron.
Ang EBVIA Therapeutics Inc na nakabase sa California ay nagpahayag na ito ay nag-raraise ng pondo para sa human trials, drug development, formulation at mass production ng N-0385.
Kung napatunayan at nakumpirma ng clinical trials ang “safety and efficacy” nito, ang N-0385 kabilang ang iba pang mga antiviral drugs, ay makakatulong sa pagbawas ng panganib ng mutations na nagpapahintulot sa mga virus na ma-resist ang treatment, ayon sa research team.
(Reuters)