Health
GATAS NG ISANG INA, NAGKULAY BERDE MATAPOS MAGKA-COVID
Gulat at pagkabahala ang naramdaman ng isang ina mula sa Monterrey, Mexico nang magkulay berde ang gatas nito.
Kinilala ang 23-taong gulang na ina na si Anna Cortez. Nangyari umano ang pagbabagong ito matapos na siya ay magka COVID-19.
Iminungkahi ng ilang eksperto na maaaring ang nasa likod ng pagbabago ng kulay.ng gatas ay ang mga kinakain ni Cortez. Iginiit naman ni Cortez na walang anumang nagbago sa kaniyang pagkain.
Nagka-COVID si Cortez nitong nakaraang Enero, at agad niya rin itong ipinagbigay-alam sa pediatrician ng kaniyang anak. Saad ni Cortez, “She (the pediatrician) told me as soon as I tested positive to keep breastfeeding my daughter, that that’s the best thing for her because it will give her everything she needs and if she is sick the breast milk will fight that. Your body knows what it is doing and if it is changing something in your milk it’s because that is what your body needs.”
Ayon sa pedia, na isa ring lactation consultant, karaniwang nagbabago ang kulay ng gatas kapag nagkakasakit ang ina, at maaaring dahil sa mga natural antibodies na siyang lumalaban sa impeksyon. Tiniyak naman ng doktor na ang gatas ni Anna ay ligtas pa rin para sa konsumo.
Apat na araw matapos makaramdam ng mga sintomas, ay puti pa umano ang gatas ni Cortez, subalit sa sunod na pag-pump niya, naramdaman niyang siya ay dehydrated at kaunti ang inilabas na gatas. Dito na rin niya napansin ang pagbabago sa kulay nito.
Pahayag niya, “I didn’t even notice the color when I pumped because I was so sick. I stuck (the bag) in the freezer and when I brought it out later I noticed the bright green color.”
“We do know that women who are infected with Covid do generate antibodies against Covid and those antibodies go into the milk in over 90 per cent of women,” paliwanag ni Dr Natalie Shenker, isang breast milk researcher sa Imperial College London at co-founder ng Human Milk Foundation.
Dagdag pa ni Clare Livingstone, ng Royal College of Midwives, “Consumption of large amounts of certain foods, such as spinach, may cause the colour of breast milk to change. Also, some medication may have this effect. It’s important women recognise the difference between a change in the colour of breast milk and discharge as a sign of infection.”