Health
Gov’t pagtutuunan ng pansin ang pagbili ng Pfizer at Moderna kaysa sa Sinovac – Galvez
Gobyerno ng Pilipinas magpopokus sa pag-procure ng US-made COVID-19 vaccines tulad ng Pfizer at Moderna habang ang deal para sa China-made Sinovac vaccine ay nakatakda ng matapos, pahayag ni Secretary Carlito Galvez Jr., ang national vaccine manager, kahapon.
Bukas naman ang bansa sa paghahanap ng mga bagong procurement deals kasama ang Sinovac Biotech, dagdag niya sa isang interview, matapos ang pagdating ng higit 365,000 government-procured Pfizer vaccine doses.
“Yes, we are exploring to buy more [Sinovac vaccine doses], but once the majority of the Pfizer and Moderna [doses] have been completed, we might be concentration on these major brands,” sabi niya.
Noong nakaraan, naka secure ang gobyerno ng 25 million doses ng Sinovac vaccines, na kung saan ang 21.5 million ay nai-deliver na.
Ayon kay Galvez, ang Pfizer-BioNTech “will pick up its delivery” ng mga vaccine sa susunod na buwan, sisimulan ito ng 5 million doses.
Kamakailan lamang, ang gobyerno ay nakapag-seal ng deal para sa 40 million doses ng Pfizer vaccines. Napagkasunduan rin kasama ang private sector sa procurement ng 20 million Moderna vaccines.
Pinasalamatan ni Galvez ang Philippines embassy sa United States at ang US government sa pagbigay access sa higit 65 million vaccines sa Pilipinas.
Pinasalamatan niya rin ang US government dahil sa kanilang donation ng single-shot Johnson & Johnson vaccines.
Nakatanggap na ang Pilipinas ng mga 4.3 million doses ng Moderna vaccines at 4.2 million doses ng Pfizer vaccines.
Reports from Inquirer.Net